^

Probinsiya

Karpintero pinasok, pinatay ng NPA

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PIO V. CORPUS, Masbate, Philippines — Dead-on-the spot ang 37-anyos na karpintero matapos pasukin sa bahay at pagbabarilin ng tatlong pinaniniwalaang kasapi ng New Peoples’ Army sa Sitio Tipolo, Brgy. Buenasuerte, Pio V. Corpus, Masbate kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng pung­lo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Nelson Dalumpi­nes Roque, may-asawa habang tinutugis na ng awtoridad ang mga kasapi ng komunistang grupo sa lugar.

Sa ulat, alas-5:30 ng umaga, kagigising lang at nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang biglang dumating at pumasok ang mga suspek na armado ng mahahabang uri ng baril sa bahay.

Sa hindi malamang dahilan, walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima ng mga suspek saka sila mabilis na nagsitakas patungo sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Cabangrayan.

Nakuha ng mga ru­mes­pondeng pulis sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng bala ng M16 armalite rifle.

vuukle comment

NELSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with