^

Probinsiya

Magkaibigan nakuryente, tepok

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang magkaibigan matapos makuryente nang aksidenteng mahawakan ang live-wire na nakalaylay sa daan nitong Martes ng gabi sa Lapuyan, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ronjie Reynaldo Tuclos, 14; at Florin Ma­ngagot, kapwa residente sa Purok Sampaguita, Maruing, Lapuyan, Zamboanga del Sur.

Batay sa ulat ng La­puyan Municipal Police Station, alas-6:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inutusan ng kanyang ama si Tuclos na bumili ng diaper at bigas sa tindahan ilang metro ang layo sa kanilang tahanan.

Sinamahan siya ng kanyang kaibigang si Ma­ngagot at habang nagla­lakad ay aksidenteng nahawakan ng una ang live wire na nakakonekta sa residential electric post dahilan para magkikisay ito.

Dahil dito, tinulungan ni Mangagot si Tuclos pero maging siya ay nagkikisay na rin at dahil mataas na boltahe ng kuryente ang pumasok sa katawan ng dalawa ay agad na nalagutan ng hininga ang mga ito.

Natagpuan naman ang bangkay ng dalawa ng isang residente na si Basat Bentual Ongang Jr., 60, at ipinagbigay-alam sa mga otoridad ang nasabing insidente.

Kaagad naman inayos ng barangay ang live-wire na nakabalandra sa kalsada para hindi na maulit pa ang nasabing insidente.

vuukle comment

LAPUYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with