^

Probinsiya

Tutol sa bagong stepfather: Anak, utas sa hataw ng 73-anyos na ina

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Tutol sa bagong stepfather: Anak, utas sa hataw ng 73-anyos na ina
Namatay habang gina­gamot sa ospital ang biktimang si Emmanuel Anino habang nakakulong na ang ina nitong si Leonita Edusma, 73, kapwa residente sa Brgy. Poblacion, Carmen, Bohol.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 46-anyos na lalaki ang patay nang paghahatawin ng tubo ng kanyang sariling ina matapos barilin ang kanyang bagong stepfather na kakakasal lamang sa Bohol.

Namatay habang gina­gamot sa ospital ang biktimang si Emmanuel Anino habang nakakulong na ang ina nitong si Leonita Edusma, 73, kapwa residente sa Brgy. Poblacion, Carmen, Bohol.

Naka-confine naman sa ospital ang bagong asawa ni Leonita na si Felix Edusma, 61, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tiyan at paa.

Batay sa naantalang report ng Carmen Municipal Police Station, umaga ng Lunes, Hulyo 31, nag-aalmusal ang bagong kasal na sina Leonita at Felix nang dumating si Anino na armado ng baril at binaril ang bagong asawa ng kanyang ina.

Dahil dito, mabilis na kumuha ng tubo si Leonita at pinagpapalo sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang anak hanggang sa humandusay.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatan subalit idineklara na rin patay ng doktor si Anino.

Desidido naman ang misis ni Anino, na manugang ni Leonita na magsampa ng kaso laban sa ina na nakapatay sa sariling anak.

Sinabi ng misis ni Anino na kontra ito sa pag-aasawa ng kanyang ina kay Felix. Ikinasal ang dalawang matanda noong Hulyo 20, 2023.

vuukle comment

FELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with