^

Probinsiya

Family outing nauwi sa trahedya: 6 patay!

Doris Franche-Borja, Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

IBA, Zambales, Philippines — Anim katao ang patay sa pagkalunod habang anim pa ang nilalapatan ng lunas sa pagamutan matapos na mauwi sa trahedya ang masaya sa­nang family outing sa magkahiwalay na insidente sa Iloilo at Zambales.

Sa ulat sa Guimbal Municipal Police Station sa Iloilo, walong magkakaanak ang nilamon ng tubig at dalawa sa mga ito ang nasawi nang malunod kahapon ng ­umaga sa nasabing bayan. Idineklarang dead-on-arrival sa Pedro G. Trono Memorial Hospital sa Guimbal ang mga biktima na nasa edad 15 at 16.

Ayon kay P/Capt. Felice Dioso, hepe ng pulisya, alas-9:30 ng ­umaga sa ­Tinagong Dagat Beach Resort sa Brgy. Baras, Guimbal, Iloilo, habang masa­yang naliligo ang pamilya nang magkayayaan silang tumungo sa malalim na parte ng dagat.

Dahil sa malakas na alon, nilamon ng tubig ang mga biktima kaya nagtulung-tulong ang mga lifeguard ng resort at emergency responders para sila ay sagipin.

Matapos ang search and rescue operations, nasagip ang anim na indibiduwal pero idineklara namang dead-on-arrival (DOA) ang dalawang kasamahang menor-de-edad.

Nauna rito, tinangay rin ng malakas na current ng tubig-dagat habang naliligo ang apat na katao sa isang resort sa Brgy. Lipay Dingin, Iba, Zambales.

Idineklarang mga patay ang mga biktima na sina Robert Tiongson, 54 anyos, residente ng Iba, Zambales, at sina Geraldine Jumao, 54; Miguel Jacutina, 25;at Benito Salinas, 54; pawang taga-Pandacan, Manila dahil sa pagkalunod.

Ayon sa kasamahan na si Eliza Tiongson, alas-3 ng hapon ka­makalawa habang ang apat ay nagtatampisaw nang lumaki bigla ang mga alon at lumakas ang current ng tubig sa dagat sanhi upang mabilis silang tinangay sa malayong bahagi .

Nagawa namang makuha ng mga rumes­pondeng medical team ang katawan ng tatlo su­balit pawang idineklarang DOA sa pagamutan habang huling narekober si Salinas na noon ay wala na ring buhay.

vuukle comment

ZAMBALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with