^

Probinsiya

Barangay chairman sa Bulacan, itinumba!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman sa Bulacan, itinumba!
Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Marcelino “Ube” Punzal, 63 taong gulang, kapitan ng Brgy. Bangkal, Norzagaray.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang salarin ang sasakyan nito sa kahabaan ng Edenville Road, Brgy. Partida, Norzagaray, Bulacan nitong Biyernes ng gabi.

Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Marcelino “Ube” Punzal, 63 taong gulang, kapitan ng Brgy. Bangkal, Norzagaray.

Sa report ni Norzagaray acting chief of police Lt. Col. Lynelle Solomon, alas-7 ng gabi nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa pamamaril sa biktima habang nasa loob ng sasakyan nito sa nasabing lugar.

Agad na rumesponde sa crime scene ang mga elemento ng Norzagaray Police at dito’y inabutan nila ang biktima na patay na sa loob ng kaniyang kulay pulang Mitsubishi Estrada (XJV-160).

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na siyang kumitil sa buhay nito habang mabilis na tumakas ang gunman.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang mga basyo ng cartridges at apat na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Sa pahayag ng pamil­ya ng biktima, wala silang maisip na motibo sa krimen dahil wala umanong kaalitan ang nasabing tserman.

vuukle comment

CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with