^

Probinsiya

Ospital sa Dasma, binulabog ng bomb threat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Ospital sa Dasma, binulabog ng bomb threat
Ayon kay Ibabyo, kasalukuyan umano siyang naka-duty sa nasabing hospital nang makatanggap ng isang forwarded message na naglalaman ng “Mga guro, estudyante, at opisyal ng HIS, gusto ko na malaman ninyo na kaming CPP-NPA-NDF ay nagplanta ng I.E.D sa palibot ng inyong institusyon na sasabog ngayon tanghali. Meron pa kayong oras para hanapin ang bomba at magpaalam sa inyong pamilya.”
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Nabulabog ang isang pribadong ospital makaraang isang bomb threat ang kanilang natanggap mula sa isang ‘di nagpakilalang texter kamakalawa ng hapon sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.

Dakong alas-3:09 ng hapon nang makatanggap ng isang Text ang security officer ng Dela Salle University Medical Hospital na si Mansueto Ibabyo, 60-anyos.

Ayon kay Ibabyo, kasalukuyan umano siyang naka-duty sa nasabing hospital nang makatanggap ng isang forwarded message na naglalaman ng “Mga guro, estudyante, at opisyal ng HIS, gusto ko na malaman ninyo na kaming CPP-NPA-NDF ay nagplanta ng I.E.D sa palibot ng inyong institusyon na sasabog ngayon tanghali. Meron pa kayong oras para hanapin ang bomba at magpaalam sa inyong pamilya.”

Agad nitong ipinaalam sa pamunuan ng ospital ang mensahe na mabilis na itinawag sa Dasmariñas City Police.

Sa pangunguna ni Police Col Juan Oruga, kasama ang kaniyang SWAT team at mga operatiba ng Explosive and Ordnance Division (EOD), agad silang rumesponde sa nasabing ospital at nagsagawa ng mabilisang clearing operation.

Dahil dito, nabulabog ang mga nasa loob ng ospital at karamihan ay nag-panic.

Gayunman, matapos ang may ilang oras na pagsisiyasat at inspection sa buong gusali at palibot ng hospital, nagnegatibo ang anumang uri ng bomba.

Agad na ipinasa sa Cavite Police Cyber Crime Unit ang number ng nasabing texter upang isailalim sa pag-iimbestiga at matukoy ang lokasyon kung saan ito nanggaling.

vuukle comment

CPP

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with