^

Probinsiya

Paglaban sa ‘dengue’ ngayong tag-ulan, pinaigting ng Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Ngayong dumating na ang panahon ng tag-ulan, mas pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang mga hakbang nito upang kontrolin, kung hindi man lubusang mapigilan, ang sakit na Dengue sa lalawigan.

Sa inilabas na ulat ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), nakapagtala ang lalawigan ng may kabuuang bilang na 1,290 suspected Dengue cases mula Enero 1 hanggang Mayo 27 na 41% mas mababa kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Samantala, nakapagtala rin ng anim na kaso ng pagkamatay na may kinalaman sa Dengue.

Dagdag pa rito, limang bayan at lungsod ang natukoy na may barangay na may clustering o pagkakaroon ng apat o higit pang kaso ng Dengue sa nakalipas na dalawang linggo kabilang na ang Brgy. Kaypian, Muzon at Sto. Cristo ng Lungsod ng San Jose Del Monte; Brgy. Lambakin at Nagbalon ng bayan ng Marilao; Brgy. Lawa at Pandayan ng Lungsod ng Meycauayan; Brgy. Poblacion ng bayan ng Pandi; at Brgy. San Mateo ng bayan ng Norzagaray kung saan ang apektadong mga edad ay mula 1-85 taong gulang ngunit karamihan ng mga kaso ay mula sa edad na 1-10 taong gulang, na 46% ng kabuuang kaso.

Dahil dito, nilagdaan ni Gobernador Daniel Fernando ang Memorandum DRF-03242023-121 for Awareness of Dengue Prevention and Control para sa 24 na mga punong bayan at lalawigan upang umaksyon at palakasin ang Barangay Dengue Task Force.

Pinaalalahanan din niya ang mga Bulakenyo na gawin ang kanilang bahagi upang protektahan ang kanilang mga sarili laban sa banta ng Dengue.

“Panahon na naman po ng tag-ulan, iwasan po natin na mag-imbak ng mga tubig na maaa­ring pangitlugan ng mga lamok. Hanggang maaari, takpan na lang ito o itapon. Magtulungan po ta­yong lahat upang mapuksa itong mga breeding site ng mga lamok at pa­natilihin din po natin na malinis ang ating mga tahanan. Ugaliin din po natin na gumamit ng mga mosquito repellent upang makaiwas sa kagat ng mga ito,” anang gobernador.

DENGUE

PESU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with