^

Probinsiya

Lady caretaker ng resort,  itinumba sa kubo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang mapatay ng riding-in-tandem ang babaeng caretaker ng isang beach resort habang ang biktima ay nasa loob ng kubo sa Sitio Silangan, Barangay Guisguis Talon, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Aiza Magboo, 34, may-asawa at residente ng Sitio Paraiso sa nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ni Master Sgt.Gerardo Eballa, officer-on-case, nakatayo sa loob ng isang kubo sa Beneraza Beach Resort ang biktima dakong alas-5:20 ng hapon nang biglang dumating ang isa sa hindi nakikila­lang lalaki at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ang una na agad nitong ikinamatay.

Matapos na isagawa ang krimen,  mabilis na sumakay ang salarin sa naghihintay na kulay gray na Suzuki motorcycle na minamaneho ng kasamahan nito saka tumakas patungo sa direksyon ng Eco-Tourism Road sa bayan ng Candelaria.

Patuloy na nagsasa­gawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

GERARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with