Binatilyong wanted, 4 pa huli sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang isang binatilyong wanted matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).
Sa report na nakarating kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, nakilala ang nadakip na wanted person na si Conway Ellar.
Ayon sa ulat ng SJDM Police, naaresto nila si Ellar nitong Mayo 24, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted murder na inisyu ng RTC Branch 78, Malolos City.
Samantala, arestado rin sa kaparehong operasyon at petsa ng Pandi, Bulacan, Norzagaray at Meycauayan Police ang apat pang kriminal na hindi pa pinangalanan.
Ang apat na wanted persons ay may kinakaharap na mga kaso sa paglabag sa BP 22, Acts of Lasciviousness at RA 9003.
- Latest