^

Probinsiya

P31.3 milyong marijuana sinunog sa Kalinga

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO, Philippines — Nasa kabuuang P31.3 milyong halaga ng marijuana mula sa iba’t ibang plantasyon sa Tinglayan, Kalinga ang sinunog ng mga awtoridad nitong linggo.

Ang sinunog nitong Biyernes na marijuana na umaabot na naturang halaga ay natagpuan sa mga lugar sa Barangays Butbut Proper, Tulgao West, at Loccong; lahat sa Tinglayan mula sa ope­rasyon nitong Miyerkules hanggang Biyernes.

Nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine National Police at Phi­lippine Drug Enforcement Agency agents ang 156,700 fully grown marijuana plants sa 9 plantation sites na may kabuuang land area na 14,550 square meters.

Nabatid na nasa 15,000 tanim na marijua­na na nagkakahalaga ng P3,000,000 ang binunot sa Butbut Proper; 54,500 marijuana plants na P10,900,000 ang ha­laga sa Tulgao West, at 87,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng P17,440,000 ang nabunot din sa Loccong.

Sa lahat ng operas­yon, sinabi ni Rosel Sarmiento, spokesperson ng PDEA-CAR, na walang nahuling “cultivator” ng ipinagbabawal na mga tanim na marijuana.

vuukle comment

KALINGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with