^

Probinsiya

Nanggulo sa sayawan, natagpuang patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Nanggulo sa sayawan, natagpuang patay
Naliligo sa sariling dugo at may mala­king sugat sa ulo nang matagpuan sa gitna ng kalye, alas-3:00 ng madaling araw ang biktimang nakilalang si Ariel Taratara, 40, may live-in partner, at residente ng Purok Bagong Silang 1 Brgy Malinao Ilaya.
STAR/ File

ATIMONAN,Quezon, Philippines — Patay na ng matagpuan ang isang lalaking sinasabing nanggulo sa isang sayawan sa  Purok 1, Barangay Sta.Catalina sa bayang ito, kamakalawa ng mada­ling araw.

Naliligo sa sariling dugo at may mala­king sugat sa ulo nang matagpuan sa gitna ng kalye, alas-3:00 ng madaling araw ang biktimang nakilalang si Ariel Taratara, 40, may live-in partner, at residente ng Purok Bagong Silang 1 Brgy Malinao Ilaya.

Ayon sa pulisya, hu­ling nakitang buhay ang biktima na lasing sa alak na naghuramentado sa sayawan at may hawak na gulok.

Bahagya umanong tumigil ang sayawan dahil sa ginawa ng biktima hanggang umalis na ito.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang pu­maslang sa biktima upang papanagutin sa krimen.

vuukle comment

MALINAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with