^

Probinsiya

Bisita kinatay ng nagpainom na mister

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng isang mister nang magkaroon sila ng mainitang argumento sa kasagsagan ng kanilang inuman sa Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Edgar Rosimo dahil sa mga saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala, nakatakas naman ang suspek na si Danilo Delante, residente ng Sitio Manalite 1, Unirock, Bagong Nayon, Antipolo City.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, nabatid na dakong ala-1:15 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tahanan ng suspek.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na bago ang krimen ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang kanyang live-in partner dakong alas-7:00 ng gabi ka­makalawa, sanhi upang mabilis na umalis ng bahay ang babae.

Dahil dito, niyaya umano ng suspek ang biktima na makipag-inuman sa kanya.

Sa kasagsagan ng kanilang pag-iinuman,  naging mainitin ang suspek hanggang sa magkaroon din sila ng ‘di pagkakaunawaan ng kainumang biktima, sanhi upang pagsalitaan umano ng hindi maganda ng biktima ang suspek.

Ikinagalit naman ito ng suspek na kaagad na pinagsasaksak ang biktima nang makadampot ng patalim, at saka mabilis na tumakas.

Target na ng manhunt operation ng mga otoridad ang suspek upang mapanagot sa krimen.

vuukle comment

EDGAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with