^

Probinsiya

Misis, pinatay ni mister ng Mother’s Day!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Misis, pinatay ni mister ng Mother�s Day!
Sa magkahiwalay na report ng Glan Municipal Police at Sarangani Provincial Police Office, kinilala ang nasawing ginang na si Yonilyn Cago Segapu, na agad nasawi sa insidente dahil sa tinamong tama ng punglo sa ulo buhat sa .45 caliber pistol ng kanyang mister na si Jemar na ngayo’y nahaharap sa kasong parricide.
File Photo

Dahil sa matinding pagseselos

Cotabato City, Philippines — Imbes na bulaklak, bala ang itinanim sa ulo ng isang 29-anyos na misis mula sa sarili nitong mister nang barilin ito makaraang magtalo dahil sa umano’y matinding pagseselos sa loob ng kanilang tahanan sa Glan, Sarangani noong Linggo kung saan ipinagdiriwang ang Mother’s Day.

Sa magkahiwalay na report ng Glan Municipal Police at Sarangani Provincial Police Office, kinilala ang nasawing ginang na si Yonilyn Cago Segapu, na agad nasawi sa insidente dahil sa tinamong tama ng punglo sa ulo buhat sa .45 caliber pistol ng kanyang mister na si Jemar na ngayo’y nahaharap sa kasong parricide.

Sa imbestigasyon ng pulisya, una umanong narinig ng mga kapitbahay na nagtatalo noong Linggo sina Yonilyn at Jemar sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Kaltuad ng nasabing ba­yan tungkol sa diumano’y pagkakaroon nito ng relasyon sa ibang babae, bago may umalingaw­ngaw na mga putok sa kapaligiran.

Ayon kay Brig. Gen. Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, agad naman na dinisarmahan ng mga barangay officials at ng mga barangay tanod ang suspect.

Hindi na pumalag pa ang suspect nang dumating ang mga kasapi ng Glan Police Station nang siya ay arestuhin at ikinulong para masampahan ng kaukulang kaso.

Nabatid na dalawa ang mga anak ng mag-asawang Sepuga, ayon sa kanilang mga kakilala.

vuukle comment

BULLET

CRIME

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with