^

Probinsiya

Mag-amang ‘tulak’ laglag sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang magtatay na tulak ng droga matapos ang inilatag na buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Brgy. Granados, Gen Mariano Alvarez, dito sa lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang mag-amang suspek na sina Robert White alias “Bobby” at anak nitong si Robert White Jr, kapwa residente sa nasabing lugar at nasa street drug watchlist ng pulisya.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Jervie San Pascual, may hawak ng kaso, alas-2:25 ng hapon nang ilatag ng GMA Police ang buy-bust laban sa mag-ama.

Halagang P300 na shabu ang binili ng isang  police poseur buyer sa mag-amang suspek. Nang iabot na ang biniling shabu ay dito na dinakma ng grupo ang mga suspek.

Narekober sa mag-amang suspek ang may  0.20 gramo ng shabu at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

ROBERT WHITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with