^

Probinsiya

Hepe ng PDEG Central Visayas, sinibak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Hepe ng PDEG Central Visayas, sinibak
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ang hakbang ay alinsunod sa doktrina ng command responsibility.
STAR/ File

6 tauhan dawit sa illegal drugs

MANILA, Philippines — Tinanggal na rin sa puwesto ang hepe ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) Central Visayas na si Police Lieutenant Colonel Lymel John Pasquin, matapos makasuhan ang anim na tauhan nito dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ang hakbang ay alinsunod sa doktrina ng command responsibility.

Si Col. Pasquin ay pinalitan sa pwesto ni Police Major Jeff Erwin Balindan.

Matatandaang anim na pulis ng PDEG Special Operations Unit (SOU) Visayas ang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ombudsman-Visayas, nitong Biyernes, dahil umano sa pagkidnap at pag-torture sa dalawang indibiduwal na napagkamalang sangkot sa iligal na droga, sa Minglanilla, Cebu noong Marso, 2023.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP chief General Benjamin Acorda, Jr. na pinag-aaralan na ng pamunuan ng PNP ang pagbuwag sa lahat ng SOU, at pag-centralize sa PDEG ng implementasyon ng Case Operational Plan (COPLAN), para mas mabantayan ng mga opisyal ang kilos ng kanilang mga tauhan.

vuukle comment

PDEG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with