Lasing sumugod sa kaaway tinaga sa leeg, tepok
MANILA, Philippines — Patay agad ang 31-anyos na binata nang tagain ng kanyang matagal ng kaalitan sa Zone-1, Brgy. New Caaluan, Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Isang malalim na taga sa leeg ang ikinasawi ng biktimang si Delvin Claveria Brazal, residente ng Zone 1 ng naturang barangay.
Sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang suspek na kinilalang si Emilio Layosa Delovino Jr.
Sa ulat,nakipag-inuman ang biktima sa bahay ng kanyang mga kamag-anak at nang malasing ay nagpunta sa bahay ng suspek na matagal na niyang kaalitan. Ilang sandali lang ay narinig na nagkagulo na at nang tingnan ay nakahandusay na ito at tigmak ng dugo dahil sa malalim na taga sa leeg.
- Latest