^

Probinsiya

Police escort natakasan ng babaeng preso!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Iniwan sa piskalya na walang posas

MANILA, Philippines — Sibak sa puwesto ang isang pulis matapos na matakasan ng isang babaeng drug suspect ilang minuto nang isailalim sa inquest proceedings sa Sta. Rosa City, Laguna nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasibak na parak si P/Cpl. Jeffrey Pagpagon, nakatalaga sa Sta Rosa City Police Station. Si Pagpagon nahaharap sa kasong negligence ay agad naming dinisarmahan bunga ng insidente.

Sa ulat ng CALABARZON Police Office, dakong ala-1:17 ng hapon nang matakasan ng presong si Alice Reyes, isa umanong drug pusher, ang nasabing pulis matapos nitong eskortan sa tanggapan ng city prosecutor ng lungsod.

Kasalukuyan uma­nong hinihintay ni Pagpagon ang mensahe ng Duty Assistant City Prosecutor Clerks and Secretary nang pansamantala nitong iwan ang  nasabing preso na walang handcuff o posas para sunduin umano ang isa pang preso sa male dormitory ng Sta. Rosa City Police Station jail sa Brgy. Tagapo ng lungsod upang isalang din ito sa inquest proceedings.

Gayunman, nang ba­likan ng nasabing parak ang naturang inmate ay hindi na niya matagpuan makaraang samantalahin nito ang pagkakataon para tumakas.

 

vuukle comment

ESCAPE

PRISONER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with