^

Probinsiya

80 litsong baboy pinagsaluhan sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

DUPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya, Philippines — Umabot sa 80 na litsong baboy at baka ang inihaw at pinagsaluhan ng mga residente bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-292 foun­ding anniversary ng bayang ito.

Ayon kay Mayor Timothy Joseph Cayton, ang pagdiriwang na tinawag na “Lechonan sa Bayan” ay simbolo ng pagkakaisa at progreso ng bawat mamamayan sa kabila ng hamon na dala ng pandemya.

“Ang selebrasyon ng Lechonan sa Bayan ay pansamantalang natigil dahil sa epekto ng pandemya na dulot ng COVID-19, kaya dapat lang natin na ipagdiwang dahil sa kabila ng hamon ng buhay ay nalampasan natin ito at napagtagumpayan,” pahayag ni Cayton.

Naging pangunahing bisita sa pagtitipon si Senator Francis Tolentino na kauna-unahang senador na bumisita sa nasabing bayan.

Pormal naman na idineklarang anak ng Dupax del Norte si Tolentino sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipinalabas at nilagdaan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nakilahok ang 15 barangay na bumubuo sa bayan ng Dupax del Norte kabilang ang iba’t ibang organi­sasyon mula sa pribado at pampublikong sector, sa matagumpay na selebrasyon. 

BABOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with