^

Probinsiya

Misis pumalag sa rape, kinatay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BULAN, Sorsogon , Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 27-anyos na misis matapos pagsasaksakin sa loob mismo ng kanilang bahay nang pumalag sa tangkang panggagahasa sa kanya ng suspek sa Purok-1, Brgy. Quezon, Bulan, Sorsogon kamakalawa ng madaling araw.

Tinangka pang isugod ng mga rumespondeng kaanak at residente sa Bulan Medicare Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Judilyn Alminiana Gayola habang tinutugis na ng pulisya ang nakilalang suspek na si Eddie Mantes, binata at residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, mag-isang natutulog sa kanilang bahay ang biktima nang pasukin ni Mantes na armado ng patalim.

Nagising umano ang biktima sa tangkang panggagahasa ng ha­yok na suspek pero ma­tapang na nanlaban dahilan para siya ay pag­sasaksakin.

Matapos na makitang wala nang buhay ang ginang, mabilis na tumakas ang suspek pero nakita siya ng isang testigo at nakilala.

Agad na isinugod ang duguang biktima sa pagamutan subalit hindi na umabot pang buhay dahil sa matitin­ding mga sugat na tinamo sa katawan.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with