^

Probinsiya

Ginang ninakawan na, pinatay pa

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MACALELON, Quezon, Philippines — Pinatay ng hindi nakikilalang salarin ang 2isang ginang makaraang pasukin at2 pagnakawan ang kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Sitio Eleazar, Brgy. Mambog sa bayang ito.

Kinilala2 ng pulisya ang biktima na si Melinda Martinez, 52, isang magsasaka at residente sa naturang lugar.

Ayo2n sa pulisya, natuklasan ang walang buhay na katawan ng biktima bandang ala-1:00 ng hapon at tigmak ng dugo ang ulo nito.

Nagkalat din umano ang mga kagamitan sa loob ng bahay na palatandaang nilooban ang ginang at hinihinalang nanlaban siya sa suspek kaya tinuluyang paslangin ng huli.

Inaalam na ng pulisya kung may CCTV sa mga kalapit na bahay at sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan sa salarin.

vuukle comment

ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with