EO inilabas sa Bulacan vs mga baboy na may ASF
Malolos City, Bulacan, Philippines — Bagama’t wala pang kaso ng African Swine Fever (ASF) ang lalawigan ng Bulacan simula sa pagpasok ng taong 2023, inilabas ni Gob. Daniel Fernando and Executive Order No. 13, series of 2020 o “An Order Prohibitong the Entry of Live Pigs and its Meat Products Coming from Areas Affected by African Swine Fever (ASF) in the Province of Bulacan.”
Ayon Kay Gov. Fernando, isinagawa ito upang siguraduhin na hindi maaapektuhan ang mga hakbang ng lalawigan upang muling padamihin ang bilang ng baboy at hindi masayang ang mga isinagawang aksyon.
“Since mayroon pong cases ng ASF sa ibang lalawigan lalo na sa gawing Visayas at dumadami ang hog traders na nagpapasok ng baboy sa ating lalawigan, kailangan natin itong i-regulate upang masiguro natin na hindi tayo mapapasukan ng mga ASF positive na baboy,” ani Fernando.
Base sa EO, ipatutupad ng lalawigan ang lubusang pagbabawal sa buhay, katay, luto, at iprinosesong karne ng baboy na magmumula sa mga lugar na apektado ng ASF na idineklara ng National Task Force for Prevention of ASF at ibang pang ahensya ng pamahalaan; habang kailangan munang kumuha ng letter of acceptance mula sa Provincial Veterinary Office (PVO) ang magbibiyahe mula sa pink at green zones o iyong mga mula sa buffer, protected, at free zones na may kasamang negatibong resulta ng ASF test na hindi tatagal ng higit sa dalawang linggo mula sa oras ng pagbiyahe bago payagang makapasok sa Bulacan.
Gayundin, patuloy ang pagsasagawa ng PVO ng surveillance sa mga backyard raiser mula sa iba’t ibang lungsod at bayan; habang nagsasagawa ng test ang mga commercial farms at isinusumite ang resulta nito sa PVO.
- Latest