^

Probinsiya

Philippines at US Army ‘live fire exercise’ arangkada sa ‘Balikatan 2023’

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Philippines at US Army ‘live fire exercise’ arangkada sa ‘Balikatan 2023’
Personal na sinaksihan nina US Army Pacific Commanding General Charles Flynn (kaliwa) at Phl Army commanding general, Lt. General Romeo Brawner, Jr. (pangalawa sa kaliwa) ang idinaos na live fire exercise ng Javelin Anti-Tank Weapon System bilang bahagi ng Balikatan Exercises 2023 sa kampo ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija noong Huwebes.
Photo: 7th ID-PA

Fort Ramon Magsaysay, Nueva Ecija , Philippines — Personal na binisita nina General Charles Flynn, commanding general ng United States Army Pacific (USARPAC) at counterpart nitong si Lt. General Romeo Braw­ner Jr., commanding general ng Philippine Army ang kasalukuyang isinasagawang pagsasanay sa Balikatan Exercise ngayong taon sa kampong ito.

Natunghayan ng dalawang pinunong militar ang idinaos na live fire exercise ng Javelin Anti-Tank Weapon System (JATWS) sa loob ng malawak na kampo rito, noong Huwebes ng hapon.

Pahayag ni Brawner, ang layunin umano ng Balikatan Exercise ay ang pagpapalakas ng puwersa at pagkakaroon ng kasanayan ng hukbo ng dalawang magkaanib na bansa. Ang Estados Unidos din umano ay matibay na katuwang ng Pilipinas sa capability development programs.

Ang naturang armas (JATWS) anya ay ginagamit na pantapat sa mga tangke at armored vehicle ng mga kalaban na kayang patamaan kahit nasa malayong distansiya.

Ito umano ang sinisikap ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na magkaroon sa hinaharap ng ganitong kagamitan na magagamit sa pagpapalakas ng depensa at pagtatanggol sa teritor­yo ng bansa.

Binigyan-diin din ni Brawner na ang mga ginagawang halimbawa o senaryo sa mga pagsasanay sa pagitan ng US at Philippine Army ay walang tinatarget na sinumang kalaban bagkus ay paghahanda para sa lahat ng uri ng banta na maaaring dumating sa Pilipinas tulad ng mga kalamidad o pangyaya­ring gawa ng tao.

Bago nagsimula ang Balikatan Exercise ay nauna nang idinaos ang Salaknib Exercise sa pagitan pa rin ng Armed Forces of the Philippines at US Army nitong Marso, at nakatakda itong matapos sa dara­ting na Mayo.

ARMY

UNITED STATES ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with