^

Probinsiya

Bus pinasabog sa terminal: 4 pasahero sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Cotabato City , Philippines — Apat na sakay ng isang double-decker unit ng Husky Bus Company kabilang ang tatlong senior citizen ang sugatan matapos ang pagsabog ng isang bomba na itinanim sa loob ng pampasaherong bus sa isang bus terminal sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat, kahapon ng tanghali.

Ayon kay Brig. Gen Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, agad na naisugod sa pagamutan ang mga nasugatan sa pagsabog na sina Hamsa Alilaya, 60-anyos, Norodin Ibrahim, 63-anyos, Norfatima Makaanta, 25-anyos at Edgar Cochoco, 75-an­yos.

Isang improvised explosive device (IED) na napapasabog gamit ang cellphone ang pinasabog sa loob ng naturang bus, ayon sa mga nagrespondeng mga bomb experts mula sa Sultan Kudarat Provincial Police Office.

Naniniwala ang mga lokal na opisyal at ang militar na posibleng Dawlah Islamiya o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng bus bombing.

vuukle comment

BUS COMPANY

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with