^

Probinsiya

Magkapatid hulog sa septic tank, patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Bakal na hinahawakan, nakalas

MANILA, Philippines —  Patay ang magkapatid na paslit nang mahulog at malunod sa septic tank nang makalas ang bakal na kanilang hinahawakan habang naghuhugas ng kanilang maputik na katawan noong Linggo sa Talisay City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Cebu South Medical Center  ang magkapatid na sina Mark Emman, 6-anyos at Nathaniel Llamedo, 7-anyos; kapwa residente sa Sitio Sayaw, Laray, Barangay San Roque.

Batay sa report ng Talisay City Police, bandang alas-11:30 ng ­umaga  noong Linggo nang maganap ang insidente sa ginawang septic tank, ilang metro lamang ang layo sa bahay ng magkapatid.

Nauna rito, lumilitaw na naglalaro ang magkapatid kasama ang kanilang pinsan na parehong menor-de-edad sa labas ng kanilang bahay nang mapuno ng putik ang kanilang katawan.

Dahil dito, nagtungo ang magkapatid sa ginagawang septic tank na puno ng tubig at may lalim na 10 talampakan para maghugas ng katawan.

Sa salaysay ng mga pinsan, nakahawak pa ang magkapatid sa nakausling bakal habang naghuhugas ng kanilang katawan nang biglang makalas ang bakal at sabay na nahulog ang magkapatid sa septic tank na puno ng tubig.

Mabilis namang hu­mingi ng tulong ang mga pinsan na kalaro ng magkapatid at iniahon sila sa tubig saka isinugod na nasabing ospital subalit idineklara silang kapwa patay ng sumuring doktor.

vuukle comment

TALISAY CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with