^

Probinsiya

Bahay ni-raid: Trike driver timbog sa droga

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

VIRAC, Catanduanes, Philippines — Kalaboso ang isang tricycle driver na itinuturing na high value individual matapos maaresto sa ginawang search warrant operation sa kanilang bahay sa Purok-7, Brgy. Lanao, Virac, Catanduanes kamakalawa ng hapon.

Walang kawala matapos arestuhin makaraang makuhanan ng malaking halaga ng droga ang suspek na kinalang si Raymund Salvacion Posadas, residente ng naturang lugar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, ilang araw na isinailalim sa surveillance ope­ration at test buy ang suspek hanggang sa magdesisyong isailalim na sa search warrant operation ang bahay nito.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte ay agad sinalakay ng mga pulis ang bahay nito. Kusa nang sumama ang suspek sa mga pulis makaraang makuha ang apat na sachet ng shabu sa bahay nito na tumitimbang ng 12-gramo at nagkakahalaga ng P82,000.

vuukle comment

DROGA

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with