^

Probinsiya

Pambobomba sa Ramadan nasilat: 5 terorista tigok, 8 bomba narekober

Pilipino Star Ngayon

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte, Philippines — Napigilan ang planong pambobomba ng mga terorista sa Ramadan matapos mapatay ang limang hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group habang walong bomba ang narekober sa isinagawang operasyon ng Joint Task Force Central sa mga bayan ng Pagalungan at Montawal, Maguindanao del Sur simula nitong ika-21 ng Marso, 2023.

Ayon kay Col. Donald Gumiran, commander ng 602nd Infantry (Liberator) Brigade, nakatanggap ang militar ng impormasyon mula mismo sa mga residente ng Brgy. Dungguan, Montawal at Brgy. Dalgan, Pagalungan na nagkakampo sa liblib na lugar ng Brgy. Dalgan ang te­roristang DI-Hassan Group na pinamumunuan ng isang “Almoben Sebod”.

Ayon sa mga residente, planong magsagawa ang terroristang grupo ng pagpapasabog sa mga matataong lugar sa Maguindanao at Cotabato sa pagbubukas ng Ramadan.

Matapos makumpirma ang ulat mula sa iba pang mga impormante, ay mabilisang nagkasa ng operasyon ang JTF Central sa pamamagitan ng 602nd Brigade upang pigilan ang madugong plano ng te­roristang grupo.

Maingat na tinungo ng mga sundalo ang lugar na pinagkukutaan ng mga te­rorista upang maiwasang magkaroon ng agarang putukan na maaring ma­ging sanhi na madamay ang mga inosenteng mamamayan ng nasabing lugar.

Matagumpay na nakalapit ang militar pero agad silang pinaputukan ng mga terorista sanhi ng may isang oras na sagupaan. Sa tulong ng kanyon at eroplanong pandigma, napasok ng militar ang pinagkukutaan ng mga te­rorista at tuluyang naagaw ang walong improvised explosive devices (IED) na nakahanda na sanang ilatag at paputukin anumang oras.

Samantala, limang te­rorista ang kumpirmadong namatay at isa ang nadakip habang tumatakas. Narekober mula sa nadakip ang isang calibre .45 pistol, mga bala ng Garand rifle, mga sangkap sa paggawa ng IED at 9 na cellphones na ginagagamit din sa pagpapasabog.

Nagpasalamat naman si Pagulangan Mayor Salik Mamasabulod, sa mga sundalo sa matagumpay na pagpigil sa masamang plano ng mga terorista at sa pagkakasamsam sa mga IED.

BOMBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with