^

Probinsiya

Truck sumalpok sa puno: Driver dedo, pahinante sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Tagkawayan, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang tsuper ng isang cargo truck na naglalaman ng scrap materials habang malubhang nasugatan ang kanyang pahinante nang bumangga sila sa puno sa Quirino highway na sakop ng Brgy. San Francisco sa bayang ito kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) director PCol. Ledon Monte, nakilala ang biktima na si Jose Aquino Jr.31, binata, habang ginagamot sa Tagkawayan District Hospital ang pahinanteng si Nicky Jiggs Abraham, 21, kapwa residente ng Catanduanes.

Ayon sa ulat, binabagtas ng Manila bound truck ni Aquino ang kurbadang bahagi ng kalsada dakong alas 9:45 ng umaga nang mag-overtake sa isang sasakyan.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng trak nang may biglang makasalubong sa kabilang direksyon kaya umiwas ito subalit bumangga sa isang puno na malapit sa gilid ng highway.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima na kanyang ikinasawi kinalaunan.

ACCIDENT

QPPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with