^

Probinsiya

Philippine scops owl, nasagip sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasagip ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang isang batang Philippine scops owl sa Sitio Manggahan, Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan matapos makatanggap ng tawag kahapon mula kay Eliza Bazco, isang concerned citizen.

Tinatayang may taas na anim na pulgada ang nasabing scops owl at tumitimbang ng 700 gramo.

Ayon sa pinuno ng BENRO na si Julius Victor Degala, itinuturing na isang endemic species sa Pilipinas ang nasagip na scops owl o kuwago.

Hinihikayat din ni Degala ang publiko na agarang ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang ganitong insidente ng wildlife capture.

Agad ring na-iturn over ang kuwago sa Community Environment and Natural Resources Office sa Guiguinto, Bulacan.

BENRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with