^

Probinsiya

Obrero namingwit ng pang-ulam, kisay sa ilog

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang obrero matapos makuryente habang namimingwit ng isda na kanilang pang-ulam sa ilog sa Barangay Tanauan, ba­yan ng Tanza sa lalawigang ito, kahapon ng umaga.

Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang biktimang si Ferdinand Tumibay, 34 an­yos, stay-in worker sa Las Brezzas Subdivision sa Barangay Tanauan, Tanza.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:30 ng tanghali nang maganap ang insidente.

Nauna rito, nagpas­yang mamingwit ang biktima kasama ang dalawa pang katrabaho para mayroon silang pang-ulam sa tanghalian.

Sa kasamaang palad, gamit ang de-kuryenteng pamingwit, nag-tap o kinonekta nila ito sa kanilang barracks. Hindi umano namalayan na nakalusong pala ang isang paa ng biktima sa ilog dahilan upang bigla siyang mangisay imbes na isda.

Hindi agad natanggal ang pagkakahawak ng biktima sa pamingwit hanggang sa tuluyang dumaloy sa katawan nito ang malakas boltahe ng kuryente na kanyang ikinakisay.

vuukle comment

OBRERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with