^

Probinsiya

3 patay sa pamamaril sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 patay sa pamamaril sa Quezon
Ayon kay QPPO Director PCol. Ledon Monte, ang unang insidente ay nangyari bandang alas-6:30 ng gabi sa Sitio Hacienda Marquez, Sariaya, Quezon.
STAR/File

CAMP NAKAR, Lucena City,Philippines — Tatlong katao ang patay kabilang ang dalawang babae sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa isang bayan at lungsod sa lalawigan ng Quezon kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO).

Ayon kay QPPO Director PCol. Ledon Monte, ang unang insidente ay nangyari bandang alas-6:30 ng gabi sa Sitio Hacienda Marquez, Sariaya, Quezon.

Nasa sakahan si Eva Magtibay, 56 ng Brgy. San Isidro, Candelaria Quezon nang lapitan at barilin sa ulo ng hindi nakikilang lalaki.

Nang marinig ng mister na si Jaime ang putok ng baril mula sa kanilang bahay na di kalayuan sa bukid ay mabilis itong nagtungo doon at naabutan niya ang asawa na walang buhay na naliligo sa sariling dugo.

Tama rin ng bala sa ulo, maselang parte ng katawan at binti ang ikinamatay ng sinasabing pick up girl na si Charez Daen, 25 nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki pati na ang kanyang kasamang si John Carlo Del Mundo, 37 ng Brgy. 7, Lucena City.

Ayon kay PLt.Col.Erickson Roranes, chief of police dito, naglalakad ang dalawang biktima sa panulukan ng Magallanes at Enriquez st., Brgy. 6, Lucena City, alas-11:30 ng gabi nang paulanan ng punglo ng suspek na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Agad nasawi si Del Mundo dahil sa mga tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib, idineklarang dead on arrival sa Quezon Medical Center (QMC) si Daen.

Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang mga motibo sa nangyaring magkahiwalay na pamamaril.

vuukle comment

DEAD

GUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with