^

Probinsiya

Anak ng ex-vice mayor sa Masbate, nawawala

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Anak ng ex-vice mayor sa Masbate, nawawala
Ayon kay Ex-Vice Mayor Karla Bunan, huling nakita ang kanyang anak na si Veronica  “Nicka” Bunan-Romualdez noong Pebrero 21 sa basement parking area ng isang hotel casino sa Parañaque City.
STAR / File

Nakipagkita sa dating mister sa hotel sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo na sa Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dating bise alkalde ng San Fernando, Masbate hinggil sa pagkawala ng kanyang anak  simula pa noong Pebrero 21.

Ayon kay Ex-Vice Mayor Karla Bunan, huling nakita ang kanyang anak na si Veronica  “Nicka” Bunan-Romualdez noong Pebrero 21 sa basement parking area ng isang hotel casino sa Parañaque City.

Sinabi ni Bunan na nakita pa sa CCTV nitong Pebrero 20 ang pag-alis ni “Nicka” sa kanyang condominium unit sa BGC, Taguig City upang makipagkita sa kanyang dating asawa na si John Lorenz “Jolo” Romualdez sa nasabing hotel.

Kinabukasan, Pebrero 21 nang makita sa CCTV ng Okada ang paglabas sa kuwarto at sa hotel ni Jolo matapos mag-check in doon. Nakitang sumunod na lu­mabas sa hotel si Nicka at tuluy-tuloy sa basement parking. Subalit hindi siya nakitang sumakay ng anumang sasakyan.

Nang hindi na makontak si Nicka, tinawagan ng ex-mayor si Jolo at hinanap si Nicka subalit sinabi ng huli na wala siyang alam at ayaw niya itong kausap.

Nagmakaawa pa ang dating bise alkalde na kausapin siya ni Jolo nang harapan at maayos na makapag-usap subalit hindi siya sinipot nito.

Lumilitaw na ilang buwan nang hiwalay sina Nicka at Jolo. Nakipagkita lamang si Nicka sa kahilingan ni Jolo na maayos ang kanilang pagsasama.

Apela ni Bunan, maging ang mga malalapit na kaibigan ni Nicka ay walang impormasyon sa kinaroroonan nito.

Naghain na ng missing person report sa Taguig Police ang pamilya Bunan sa pagkawala ni Nicka.

Si Jolo ay dating tumakbo na konsehal sa siyudad ng Masbate habang si Nicka ay apo rin ng dating alkalde ng San Fernando, Masbate na si Engr. Manuel Bunan.

vuukle comment

BGC

PNP-AKG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with