^

Probinsiya

Sekyu nagsoli ng wallet na may P48K

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Isang guardya ang nagsoli ng wallet na naglalaman ng P48,000 at mga identification cards na kanyang napulot sa parking ng binabantayang mall sa lungsod na ito.

Binigyan ng papuri kahapon ng pamunuan ng SM City Olongapo Central ang security guard na si Alden Paa, 51-anyos dahil sa kanyang pagiging tapat sa tungkulin.

Ayon kay Paa, nagsasagawa siya ng roving inspection sa motorcycle parking area nang kanyang mamataan ang isang kulay asul na wallet bandang alas-12:13 ng hapon noong Pebrero 18.

Kaagad umano nitong dinala ang nasabing wallet na pag-aari ng isang Benjie Paguio, residente ng Limay Bataan sa Customer Relations Office (CRS) para sa safekeeping.

Makalipas umano ang ilang sandali ay nagtungo sa kanilang tanggapan si Paguio at ipinagbigay-alam ang nawawalang wallet at matapos ang ilang beripikasyon ay naibalik kay Paguio ang wallet nito.

Laking pasasalamat naman ni Paguio kay Paa na tatlong taon nang guardya sa nasabing mall dahil sa ipinamalas na katapatan nito.

vuukle comment

GOOD SAMARITAN

SECURITY GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with