^

Probinsiya

Shellfish sa 9 na lugar, may ‘red tide’ – BFAR 

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Shellfish sa 9 na lugar, may �red tide� � BFAR 
Ayon sa BFAR, bukod sa naturang mga shellfish products ay bawal ding kainin ang alamang na makukuha sa nabanggit na mga lugar.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bawal munang kunin at kainin ang mga shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan sa 9 na baybayin sa bansa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ipinagbabawal ang pagkain ng mga nabanggit na shellfish dahil positibo ang mga ito sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide na matatagpuan sa mga bayba­ying dagat ng Milagros sa Masbate; sa Panay, President Roxas at Pilar sa Capiz; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ayon sa BFAR, bukod sa naturang mga shellfish products ay bawal ding kainin ang alamang na makukuha sa nabanggit na mga lugar.

Sa kabila nito, sinabi ng BFAR na maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta’t kinakailangan na hugasan at lutuing mabuti ang mga ito. Kinakailangan ding tanggalin ang hasang at kaliskis ng isda bago umano lutuin.

Samantala, ligtas naman na ngayon sa red tide ang Cancabato Bay sa Tacloban City sa Leyte.

vuukle comment

SHELLFISH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with