^

Probinsiya

5 patay sa gastro outbreak sa Negros Oriental

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang katao na ang nasawi habang nasa 192 katao kabilang ang mga bata ang tinamaan ng gastroenteritis sa Negros Oriental.

Sa pahayag kaha­pon ni Acting Provincial Health Office (PHO) chief, Dr. Liland Esta­cion, ang ikalimang na­sawi ay mula sa Valle­hermoso, Negros Orien­tal.

Sinabi ni Estacion na ang mga kaso ay nagmula sa Barangay Puan, na kung saan ang pinagkukunan nilang tubig ay kontaminado na naging sanhi ng viral infections.

Aniya,ang naturang sitwasyon ay nakakaalarma na kailangan ng agaran lunas habang hinihintay ang resulta ng laboratoryo ng ipinadala na sample ng tubig mula sa barangay.

Agad naman namahagi ng pamahalaan panlalawigan sa 100 kabahayan o pamilya ng jerry cans at water filtration tablets at pinayuhan na rin ang mga residente sa Barangay Puan na umiinom ng tubig sa kanilang mga gripo na kailangan pakuluan ito para hindi na madagdagan pa ang mga nagkakasakit o tamaan ng virus infection at namahagi na rin ng hydration salts.

Paliwanag pa ni Estaction na ang gastroenteritis ay isang pang­kalahatang termino lamang para sa mga partikular na kaso tulad ng amoebiasis, kolera, at iba pang katulad na mga impeksyon, at ang mga pasyente ay nagpapakita ng mga sintomas tulad ng pagtatae at pagsusuka.

Ang ilang mga pas­yente ay ipinadala sa ospital habang ang iba ay nagpapagaling mula sa bahay.

GASTROENTERITIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with