^

Probinsiya

Magsasaka pinabulagta sa inuman

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CASIGURAN, Sorsogon, Philippines — Bulagta sa harap ng kanyang mga kainuman ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa Brgy. Burgos, Casiguran, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Jellieto Hara Bueza, 54-anyos, binata at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi habang masayang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa bahay na pag-aari ng nagngangalang Leonida Igloso nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek na armado ng hindi malamang kalibre ng baril.

Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ang biktima na agarang nasawi.

vuukle comment

MAGSASAKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with