^

Probinsiya

Jeepney driver nanita ng 2 mister sa ‘curfew’, inutas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang mister ang isang jeepney driver na nanita sa kanila hinggil sa ipinapatupad na curfew sa loob ng tinitirhang subdivision kamakalawa ng gabi sa Barangay Cabuco, Trece Martires City.

Tatlong tama ng bala ang bumaon sa dibdib ng biktima na agad nitong ikinamatay na nakilalang si Mel Aubray Cabugnason Mijares, residente ng B25 L6 Summerhomes Subdivision, Barangay Cabuco, Trece Martires City, Cavite.

Arestado naman ang dalawang suspek na sina Roland Marquez Magpuri at Ariel Jaropojo, kapwa 44 anyos, may asawa at residente ng Trece Martires City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:15 ng gabi nang sitahin ng biktima ang dalawang magkaangkas na suspek sakay ng motorsiklo kaugnay sa pinaiiral na curfew sa nasabing subdivision.

Ikinagalit naman umano ito ng mga suspek na agad bumunot ng maiksing baril at pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas.

Agad din namang nasakote ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek at narekober sa kanila ang isang cal 9mm na may 2-magazine at 13 bala,  limang cal 38, kutsilyo,  balisong at ang Skygo motorcycle na kanilang gamit.

Naitakbo pa sa GEAM hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival sanhi ng mga balang tumagos sa dibdib nito.

Kasong murder ang isinampang kaso laban sa dalawang suspek.

CABUCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with