^

Probinsiya

Buntis napaanak, beybi nabitawan, nalunod

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Buntis napaanak, beybi nabitawan, nalunod
Image shows a feet of a newborn baby.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

Habang naliligo sa dagat

MARIVELES, Bataan, Philippines — Hindi na na­bigyan ng pagkakataon na mabuhay ang kasisilang lang na sanggol nang malunod ito matapos na biglang mapaanak ang isang ginang habang naliligo sa dagat sa Villa Carmen Barangay Mountain View ng bayang ito.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang pulisya kamakalawa ng hatinggabi na kung saan ay magkasamang naliligo sa dalampasigan ang mag-live in partner na sina Leonardo Capino at buntis na si Jonalyn Malacaman nang biglang manakit ang kanyang tiyan at tuluy-tuloy na nanganak.

Bagama’t nailuwal ng ginang ang lala­king sanggol, aksidente naman umanong nabitawan nito hanggang sa mahulog at tuluyang malunod ang anak.

Dali-dali umanong sinagip ni Capino ang kanilang beybi mula sa pagkakalunod sa dagat saka mabilis na isinugod sa Mariveles Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente kung mayroong pananagutan sa batas ang mag-live in partner sa pagkasawi ng sanggol.

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with