^

Probinsiya

Lider ng ‘Brando Flores Drug Group’ nalambat sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Lider ng ‘Brando Flores Drug Group’ nalambat sa Quezon
Base sa ulat ni Police Col. Ledon Monte, Quezon Police Provincial Office (QPPO) director, ang nadakip ay kinilalang si Brando Rabino Flores, residente ng Villa Nosa Subdivision, Brgy. Lusacan Tiaong, Quezon at sinasabing lider ng “Brando Flores Drug Group.”
STAR/File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nalambat ng mga operatiba ng Tiaong Municipal Drug Enforcement Unit ang lider ng isang drug group na kumikilos sa 2nd district ng lalawigan ng Quezon matapos na isagawa ang buy-bust operation sa Brgy. Lusacan ng nasabing bayan, kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat ni Police Col. Ledon Monte, Quezon Police Provincial Office (QPPO) director, ang nadakip ay kinilalang si Brando Rabino Flores, residente ng Villa Nosa Subdivision, Brgy. Lusacan Tiaong, Quezon at sinasabing lider ng “Brando Flores Drug Group.”

Sa operasyon na isi­nagawa bandang alas 5:30 ng hapon, nakum­piska sa suspek  ang mga sachet ng hinihinalang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng humigit kumulang P43,000.

Isinagawa ang police operations base sa validated reports mula sa komunidad partikular na ang illegal drug activity ng suspek.

Sinabi ni PD Monte na hindi titigil ang QPPO sa pagsasagawa ng iba’t ibang operasyon laban sa iba’t ibang uri ng kriminalidad lalo’t higit sa Ilegal na droga na siyang salot sa lipunan.

QPPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with