Lalaking nagligtas ng 6 katao, nilamon ng dagat
MANILA, Philippines — Nagmistulang bayani ang isang 32-anyos na lalaki nang sagipin ang anim na katao na nalulunod matapos nito ay siya naman ang nilamon ng dagat, naganap kamakalawa sa isang beach resort sa Binmaley, Pangasinan.
Kinilala ni Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) director Col. Jeff Fanged ang nawawalang lalaki na si Jonald Soriano, magsasaka at residente ng Barangay Bacnar sa San Carlos City, Pangasinan na patuloy na pinaghahanap ng mga rescue team.
“The victim was watching or looking at his relatives swimming at the beach in Binmaley town on December 26 when he noticed them being carried away by strong waves. The victim immediately swam towards them to pull them away from the strong current. His relatives were safe. However, he was carried away by the wave,” pahayag ni Fanged sa inilabas na statement.
Ang mga kaanak ni Soriano na sina Marly Cole, Dennis Cole at Kate Cole, pawang residente ng Malacañang San Carlos City ay pawang isinugod sa Lingayen District Hospital.
Binigyan naman ng paunang lunas ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Lingayen ang iba pang kasama ng biktima na sina Jonathan Soriano, Noah Elves at Enzo Elves, kapwa residente ng Tarlac City.
- Latest