Obrero tinagpas ang ulo ng kabaro habang tulog
MANILA, Philippines — Tagpas ang ulo at mga kamay ng isang 32-anyos na obrero nang pagtatagain ng kasama sa trabaho na umano ay may sakit sa pag-iisip naganap kahapon ng umaga sa Mandurriao,Iloilo City.
Ang biktima na namatay noon din sa kanyang higaan ay nakilalang si Ricky Pisaro, residente ng Brgy. Gines Interior, Cabatuan Interior.Cabatuan,Iloilo.
Ang suspek na hindi na tumakas matapos ang pagpatay at hinintay ang pagdating ng mga pulis ay nakilalang si Raffy Claudio,residente ng Barangay Damires, Janiuay, Iloilo.
Nabatid na ang dalawa ay kapwa stay-in employees ng 3 Kings Lechon Manok na pag-aari ni Jero Hibionada sa Barangay Bakhaw Cabatuan, Iloilo.
Ayon kay Major Rey Sumagaysay, Iloilo City Police Station 5 chief, na si Claudio ay inatake ng bolo si Pisaro habang ito ay mahimbing na natutulog.
Sa salaysay ng mga kapitbahay na nakarinig sila ng mga sigawan, alas-6:35 ng umaga sa nasabing tindahan.
Hinala ni Sumagaysay na unang tinaga ng suspek ang braso ng biktima kaya’t napasigaw ito sa sobrang sakit at hindi na nito kayang ipagtanggol ang sarili.
Nabatid na bagong trabahador lang ang suspek na nagsimula noong linggo habang ang biktima ay may isang buwan nang nagtatrabaho.
Ayon sa ina ng suspek na simula nang mamamatay ang tatay nito noong 2015 ng barilin ng pamangkin ay nagkaroon na ito ng kakaibang kilos sa pag-iisip na nagpapakita ng trauma sa pangyayari.
- Latest