^

Probinsiya

Parak dedo sa suwag ng Montero

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Parak dedo sa suwag ng Montero
Kinilala ng Bantay Municipal Police Station ang nasawi na si Patrolman Shandrex Lopez y Marinduque, 27, walang-asawa, residente ng Purok 4 Quirino, Naguilian, Isabela, at nakadestino sa PIT Ilocos Sur RIU1.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dedo ang isang pulis matapos na bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang kotse sa national highway sa Brgy. Cabalanggan, Bantay, Ilocos Sur. kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Bantay Municipal Police Station ang nasawi na si Patrolman Shandrex Lopez y Marinduque, 27, walang-asawa, residente ng Purok 4 Quirino, Naguilian, Isabela, at nakadestino sa PIT Ilocos Sur RIU1.

Nakilala naman ang driver ng Mitsubishi Montero na si Bryan Camit y Calumpit, 35, residente ng Brgy. 7 Alejo, Malasig, Vintar, Ilocos Norte.

Base sa CCTV foo­tage na nakuha mula sa command center ng Bantay, Ilocos Sur, ang motorsiklo ay papuntang silangang direksyon samantalang ang Montero naman ay papuntang kanlurang direksyon.

Pagdating sa lugar, ay kumaliwa ang Montero para pumasok sa Marsha’s Delicasies na nasa southern part ng highway na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Ang biktima na dri­ver ng Yamaha NMAX na nagtamo ng head injury ay agad na dinala sa Metro Vigan Hospital ng mga rumes­pondeng PNP personnel pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

PARAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with