^

Probinsiya

Pulis, 1 pa sugatan sa vehicular accident

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang parak ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Kinilala ni Zamboanga Sibugay Police Director P/Col. Eduard Mallo ang mga biktima na sina Police Patrolman Ariel Lumahog, 40 at Jericho Sampotan, 21, estudyante.

Sa ulat, bandang alas-8:15 ng umaga nang mangyari ang sakuna sa kahabaan ng kalsada ng Purok Kinner, Brgy. La Paz, Naga ng lalawigang ito.

Ayon sa imbestigasyon kapwa minamaneho ng dalawang biktima ang kanilang mga motorsiklo patu­ngo sa iisang direksiyon  nang aksidente ang mga itong magkabanggaan.

Sa pahayag ng mga saksi, nag-overtake ang estudyante sa isang behikulo bunsod upang mapunta ang motorsiklo nito sa linyang binabagtas ng nasabing parak na nagresulta sa nasabing banggaan.

Agad na isinugod ang mga biktima sa pagamutan ng mga nakakitang residente habang dinala naman sa Naga Municipal Police Station ang mga motorsiklo para sa kaukulang disposisyon.

Isinasailalim pa sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang kasong ito.

vuukle comment

DALAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with