^

Probinsiya

Poste sinuwag ng motor: Rider patay, angkas sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang rider habang patuloy na nilalapatan nang lunas sa pagamutan ang kanyang angkas matapos sumemplang at bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa konkretong poste ng kuryente sa Brgy. Bogtong ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Patay agad at hindi na umabot nang buhay sa Bicol Regional Hospital and Medical Center dahil sa matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Patrick Mariñas, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Binitayan habang sugatan naman ang angkas na si Noleal Noe Llaneta, 23-anyos ng Brgy. Miisi, pawang ng bayan ng Daraga, Albay.

Sa ulat, mag-aalas-8 ng gabi mabilis na binabagtas ng SYM Motorcycle (486-EDS) na minamaneho ni Mariñas ang kahabaan ng highway nang mawalan ng kontrol at sumampa sa gutter ng kalsada saka diretsong sumalpok sa konkretong poste ng kuryente sa tabi ng diversion highway.

Sa lakas nang pagkakabangga, duguan at walang malay na tumilapon ang biktima habang duguang humandusay naman sa kalsada si Llaneta.

Mabilis na sinaklolohan ng rescue team ang mga biktima at isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival si Mariñas habang nagpapagaling na si Llaneta.

vuukle comment

BICOL REGIONAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with