Quezon ginawaran ng pagkilala sa ‘Gawad Kalasag’
LUCENA CITY, Philippines — Isa ang lalawigan ng Quezon, dalawang lungsod at ilang bayan ang kabilang sa mga awardee ng Beyond Compliant Provinces sa ginanap na 22nd Gawad Kalasag Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) and Humanitarian Assistance sa isinagawang National Awarding Ceremony sa Manila Hotel.
Ayon Kay Quezon Governor Dra. Helen Tan, ito ay bunga ng patuloy na pagtutulungan at pagbabalikatan para sa kagalingan ng probinsya upang lalo pang mapagbuti ang pagseserbisyo nito sa publiko.
Samantala, nakamit ng bayan ng Sariaya ang grado na 2.23 sa Gawad Kalasag Seal for Local Disaster Risk Reduction Management Council and Offices (LDRRMCOs) Category para sa taong 2022.
Isa ang bayan ng Sariaya sa lalawigan ng Quezon na tumanggap ng nasabing award kabilang ang Tayabas City, Lucena City, General Nakar, Pagbilao, Buenavista at Pitogo.
- Latest