^

Probinsiya

‘Utak’ sa pagpatay sa Cavite, 2 pang kasabwat timbog

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang mastermind sa pagpatay sa isang 32-anyos na lalaki sa Cavite at dalawa nitong kasabwat ang nasa­kote ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa Dasmariñas City, kahapon.

Ayon kay Col. Christopher Olazo, Cavite police­ director, ang pagpatay sa biktimang si Emman Chris­topher Ortega, 32, ay kinokonsidera ng ng pulisya na lutas na matapos na madakip ang sinasabing utak sa krimen na si Renante Malipot alias “Dodong” at dalawang kasamahan nito na ‘di pa pinangalanan.  

Sinabi ni Olazo na naaresto si Malipot sa hot pursuit operation operasyon sa Barangay Langkaan, Dasmariñas City, kahapon habang kasunod na nadakip ang dalawa pa matapos na inguso ng una dahil sa kanilang partisipasyon sa pamamaslang kay Ortega.

Sa ulat ng pulisya, si Malipot ay pumunta sa bahay ng biktima para komprontahin dahil sa sumbong ng anak nito na malisyosong panghihipo sa katawan nito na nagbunsod ng kanilang bangayan sa Barangay San Jose nitong Miyerkules.

Galit na galit umano si Malipot sa ginawa ng bik­tima sa kanyang anak kaya binaril niya si Ortega na isinugod naman ng mga saksi sa Pagamutan ng Dasmariñas Hospital matapos na magtamo ng tama ng bala pero idineklarang dead-on-arrival. 

Nabatid na nasamsam mula sa suspek ang caliber .38 armscor na ginamit nito sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

HULE

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with