^

Probinsiya

Nanay, 3 anak sugatan sa kidlat

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN ANDRES, Quezon, Philippines — Sugatan ang 43-anyos na ginang at tatlo niyang anak na mga babae makaraang tamaan ng kidlat habang nasa loob ng kanilang bahay sa Sitio Recudo, Barangay Talisay sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Marivic Balmoria, at mga anak na sina Annarose, 19, may live in partner, Grade 11 student; Annabel, 18, Grade 12 student, at Annamarie, 16, Grade 11 student.

Ayon sa pulisya, habang nakaupo ang mga biktima kasama ang kanilang amang si Reynaldo sa harapan ng kanilang mesa upang maghapunan nang biglang mag-brown out.

Inutusan umano ni Marivic ang kanyang mga anak na buhayin ang ilaw ng kanilang mga cellphone at nang kukunin na nito ang mga pagkain ay biglang kumidlat at tinamaan siya sa likod, gayundin ang kanyang mga anak.

Masuwerte namang hindi natamaan ng kidlat si Reynaldo na agad nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay upang dalhin sa Rural Health Clinic ang kanyang mag-iina.

vuukle comment

KIDLAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with