^

Probinsiya

P183 milyong pinsala, iniwan ni Paeng sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
P183 milyong pinsala, iniwan ni Paeng sa Cagayan
Purok 6 and 7 in Barangay Turayong, Cauayan, Isabela are still submerged in floodwaters after #PaengPH battered the province on October 30, 2022.
Facebook/PIA Region 2

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tinatayang nasa P183,993,813 milyon ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Paeng sa lalawigan na ito ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng lokal na pamahalaan kahapon.

Ayon sa terminal report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), naitala ang pinakamalaking pinsala sa inprastraktura na uma­bot sa P138,350,000.

Ito ay bunga umano ng nawasak na mga kalsada, mga drai­nage canal at mga irigasyon kabilang na ang ilang mga flood control pro­jects sa maraming ba­yan sa nasabing lalawigan.

Nasa P42,913,113 naman ang nasira sa agrikultura na kinabibilangan ng mga pananim na palay at mais habang umabot naman sa P2,730,700 ang pinsala sa livestock.

Nasa 23 naman na kabahayan ang totally damaged mula sa mga bayan ng Tuao at Amulung, habang apat naman ang partially da­maged na kabahayan sa mga nasabing bayan.

Sa kabuuan ay uma­bot sa 43,000 pamilya ang apektado o nasa 139,194 indibidwal na mula sa 25 bayan sa buong lalawigan ng Cagayan. Kasalukuyan pa rin ang pamamahagi ng provincial government ng Cagayan ng tulong at ayuda lalo na sa mga apektadong pamilya.

TYPHOON PAENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with