^

Probinsiya

Caterpillar ride sa carnival nasira, 3 sakay tumilapon

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MASINLOC, Zambales, Philippines — Sugatan ang tatlong katao kabilang ang isang 2-taong gulang na batang lalaki makaraang masira ang upuan ng sinasakyan nilang caterpillar coaster ride sa isang carnival sa Barangay South Poblacion ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga sugatan na sina Rosalinda Ulao, 24-anyos; batang itinago sa pangalang Gero; kapwa residente ng Barangay Bani, Masinloc at Carla Mae Calbonge, 23-anyos, ng Sitio Mandaloy, Barangay Taltal sa nasabi ring bayan.

Ayon sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente. Habang sakay ang tatlong biktima nang bilisan ng operator ng RUF Carnival na si Jay-Ar Salvador, 22-anyos ng Barangay Abogado, Paniqui, Tarlac, ang ikot ng caterpillar ride hanggang sa makalas ang kinauupuan ng tatlo kaya sila tumilapon palabas ng nasabing ride.

Kaagad namang isinugod ng mga taong sumaklolo ang tatlo sa health center para sa agarang lunas.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Physical Injuries si Salvador.

vuukle comment

SOUTH POBLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with