^

Probinsiya

4-anyos katutubong Badjao patay, 20 pa naospital sa diarrhea

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
4-anyos katutubong Badjao patay, 20 pa naospital sa diarrhea
Ayon sa opisyal na pahayag ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)-Lucena Community Service Center (CSC), ang batang itinago sa pangalang Teddy Boy ang pangatlong kaso ng pagkamatay mula sa Sama-Bajau IP community sa Brgy. Dalahican.
STAR/ File

LUCENA CITY, Philippines — Isang 4-taong gulang na batang katutubo na residente ng Barangay Dalahican sa lungsod na ito ang iniulat na nasawi dahil sa severe dehydration matapos tamaan ng diarrhea, kamakailan.

Ayon sa opisyal na pahayag ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)-Lucena Community Service Center (CSC), ang batang itinago sa pangalang Teddy Boy ang pangatlong kaso ng pagkamatay mula sa Sama-Bajau IP community sa Brgy. Dalahican.

Isinugod umano ang bata sa ospital noong Huwebes ng gabi matapos makaranas ng pagsusuka at diarrhea, ngunit nasawi kinalaunan dahil sa matin­ding dehydration.

Sa pahayag ni Vincent Garcia, nurse mula sa nasabing tanggapan, mahigit 20 katutubo ang ginagamot sa Quezon Medical Center (QMC) dahil sa diarrhea at dehydration.

Sa ngayon,  hinihintay ang resulta ng water testing na mula sa samples na nakuha mula sa komunidad ng mga Badjao sa nasabing barangay upang matukoy ang sakit at sinusuri na rin ang hygiene at sanitation sa lugar.

Patuloy na inaaksyunan ng City Health Office, Integrated Provincial Health Office, Sangguniang Barangay ng Dalahican, at NCIP Lucena ang krisis sa kalusugan ng mga katutubo sa lungsod.

DALAHICAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with