^

Probinsiya

Ban sa pagmimina at quarrying sa Bulacan pansamantalang binawi

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Philippines — Matapos ang unang inilabas na kautusan na ipinagbabawal na ang pagmimina at quarrying sa Bulacan, pansamantalang binawi na ito ni Go­vernor Daniel Fernando.

Sa isang follow-up meeting kasama ang sektor ng pagmimina na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center kamakalawa ng umaga, inihayag ni Fernando na pansamantalang ipagpapaliban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pagpapatupad sa Executive Order No. 21-2022 sa Oktubre 26, 2022 na nagsususpindi sa pagmimina at pag-quarry sa lalawigan.

Aniya, maaari nang magpatuloy ang mga nasa sektor ng pagmimina sa mga quarrying ope­ration alinsunod sa mga alituntunin na ibinigay ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) kung saan ang mga aplikante at existing holders ng special, quarry, at iba pang katulad na permit ay binigyan ng bago at modified na mga alituntunin patungkol sa environmental sustainability ng kanilang mga operasyon kabilang na ang haulers, blasting companies, processing plants, cement companies at bentonite operators.

Dagdag ng gobernador, ginagawa na rin ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa hinggil sa overloading at quarrying.

“Temporarily, I will resume the lifting of temporary suspension by October 26. Ibig sabihin, kaya ko sinabing temporary, hindi ko bibigyan ng tuldok na regular or permanent because ginagawa pa ng Sangguniang Panlalawigan ngayon ang ordinance ng overloading at pati ‘yung sa illegal quarrying. Iyon ang hihintayin natin at magre-resume tayo sa pagiging regular at permanent,” ani Fernando.

Sa kabila nito, iginiit ni Fernando na kapag nakahuli sila ng isa hanggang tatlong indibidwal o mga kumpanya na hindi sumusunod sa mga alituntunin at regulasyon, muli nitong ipatutupad ang quarrying ban. Mahigpit din siyang nagpaalala na huwag suhulan ang sinuman kabilang na siya at ang mga watchman para makamit ang layunin ng pagpapatupad ng E.O. 21-2022.

vuukle comment

BENRO

MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with